Filipino – Ang Seremonya ng Sagradong Apoy
“Ang Seremonya ng Sagradong Apoy”
(Filipino Translation of THE RITE OF HER SACRED FIRES)
By : Winzadea Sapphire
of
Subrosanemetos Coven
Pambungad
Ang seremonyang ito ay ginawa para sa mga deboto ng diyosang si Hecate at isisnasagawa ang seremonyang ito tuwing unang kabilugan ng buwan ng Mayo matapos ang selebrasyon ng Beltaine. Ikinakalat ang seremonyang ito sa buong mundo upang mapalawig ang debosyon sa Diyosang si Hecate at ito ay ginawa ni Bb. Sorita D’Este noong unang kabilugan ng buwan nung Mayo 2010. Pinagpahintulutan ako at ang Subrosanemetos Coven ni Sorita na isalin ang seremonyang ito sa Filipino o tagalog upang maikalat sa mga kapatid nating pagano at wiccan.
Ang seremonyang ito ay upang mas lalo pang mapalalim ang debosyon sa diyosang si Hecate at lahat tayo ay inaanyayahan niyang isagawa ang seremonyang ito bilang pag pupugay, pagdedebosyon at paghahandog kay Hecate.
Nung unang taon ng Mayo 2010 isinagawa ang Seremonya ng kanyang Sagradong apoy “rite of her sacred fires” at marami sa mga kapatid nating banyaga ang nagpasalin salin sa iba’t ibang lengwahe upang ito ay kanila maisakatuparan nabatid ni Sorita na naisalin na sa 18 lengwahe ang kanyang nagawang seremonya para kay Hecate. Sa Pilipinas, tayo na ang pang 19 na bansa na nakapagsalin sa pansarili nating seremonyang na yari sa wikang Filipino o tagalog. Ito ay isang malaking karangalan para sa akin at sa aking mga kapatid at kasamahan sa debosyon na pinahintulutan tayo ni Bb. Sorita D’ Este na isalin ko ito ng personal sa wikang Filipino o tagalog para sa ating mga kapwa kong deboto ni Hecate.
Mapagpalang basbas sa ating lahat )O(
Panimula (Paghahanda bago simulant ang seremonya)
- Gawing kumportable ang iyong sarili
- Huminga ka ng malalim hanggang sa maabot ang balanse estado ng iyong isip, katawan, kaluluwa/espiritu na kung saan maganda mong naipapakita sa buong mundo ang iyong tunay na sarili.
- Huminga ka ng malalim at hanapin ang sa iyong pinakakalooban ang boses na kung saan maipapahayg mo ng mabuti ang iyong nararamdaman na may busilak at sinseridad sa dyosa habang binabanggit ang mga nakasaad na salita para sa seremonyang ito.
- Ipagpatuloy ang paghinga ng malalim at tawagin ang kalayaan na magpapalya sa ikabuturan ng iyong puso upang maipahayag mo ng may kadalisayan at kalinisan ng iyong pagsasagawa ng seremonya na may kalakasan ng iyong pagnanasa na maunawaan ang lihim na karunungan n gating mapag palang inang diyosang si Hecate.
- Pagkatapos ay ilagay ang iyong 2 kamay gawin ito gamit ang iyong 3 daliri ng magkaparehong kamay (simula sa hintuturo hanggang sa palasingsingan)
- Tapos ilagay o ilapit ang iyong 3 daliri ng 2 kamay sa iyong puso, pagkatapos ng 3 tibok ng puso ilipat ito bibig, pagkatapos ng 3 tibok ng puso ay ilipat ito sa pagitan ng iyong 2 kilay.
Paalaala: ang 3 tibok ng puso ay ang hudyat na dapat mo na itong ilipat ibang parte ng iyong katawan base sa espesipikong parte ng iyong katawan yan ay ang puso, bibig at isip.
- Ngayon itaas ang iyong dalawang kamay sa kalangitan sa posisyong kamao. Buksan ang iyong kamay at iwang nakataas ang iyong kaliwang kamay habang ang kanan mong kamay nakababang posisyon sa altar at bigkasin ang panawagan sa Dyosang si Hecate.
Panawagan/Panalangin kay Hecate
“O Makapangyarihang diyosa ng langit, lupa at karagatan, Sa iyong misteryo ng gabi at umaga, Sa liwanag ng buwan at sa anino ng araw
Tinatawagan kita o makapangyarihang diyosa ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay na lumitaw ngayon sa mundo ng kadiliman upang pakainin ang aking espiritu at kaluluwa ng karunungan at mabigyang kaliwanagan sa aking kaisipan,
O diyosa ng crus na daan ako’y sa nyo’y nanalangin, diyosang may hawak ng susi ng karunungan at misteryo, diyosa ng mga ligaw na kaluluwa
Basbasan nawa po ninyo ako ng iyong mapagpalang karunungan upang magbigay liwanag sa kadiliman, kaguluhan at kalituhan
O Makapangyarihang diyosa ng liwanag at dilim, ibulong sa akin ang iyong lihim..
Mapagpalang apoy, dyosa ng kalupaan Makapangyarihang dyosa ng kalangitan”
- Itaas ang iyong kamay sa kalangitan at matapos ang 3 tibok ng puso ay ilagay ang kamay sa sahig.
- Lumuhod at ihanda ang kandilang gagamitin na magsisimbulo ng kanyang sagradong liwanag.
- Huminga ng malalim at ibalik ang iyong ulirat.
Ang Pagsisndi ng kanyang sagradong apoy
“Hecate aking gabay sa karunungan at misteryo, sinisidihan ko itong sagradong apoy sa iyong ngalan. (sindihan ang itim na kandila)
Ang liwanag na ito ay nagbubuklod sa mga bituin at mga bato, sa kalangitan at sa kalupaan.
Sa pamamagitan ng apoy na ito ipinapahayag ko ang aking pagnanasang maintindihan ang iyong mga misteryo”
“Askei kataskei Eron Oreon lor Mega Samnyer Basi ( ulitn ng 3 beses) Phobantia Semne”
Mahal na diyosa na kumukontrol sa mga bituin sa kalangitan at sumasaklaw sa ikot ng buhay
Gabayan mo nawa ako sa daan ng panguunawa sa crus na daan hanggang sa crus na daan
Ang mga sulo ng liwanag at ang susi ng gabay na patnubay sa misteryo ay laging magtatagpo magpakailan man.
- Matapos itong gawin pauoring mabuti ang apoy bigyang pansin ang iba’t ibang kulay ng apoy. Maari ding mag meditate pansamantala sa harap ng apoy o kaya naman ay mag dibinasyon gamit ang sagradong apoy kung sakali baka magkaruon ng isang pangitain.
“ Tinatangal ko na ang anino ng aking kalituhan sa aking isipan na hinaluan ng katahimikan at init n gating pagkakaisa
Nararamdaman ko na ang inyong gintong sinag sa aking puso at ang kalwalhatian ng karunungan sa aking isipan
Ako ay inyo pong mag-aaral ng iyong misteryo
Basbasan nawa )O(
- Tapos ilagay o ilapit ang iyong 3 daliri ng 2 kamay sa iyong puso, pagkatapos ng 3 tibok ng puso ilipat ito bibig, pagkatapos ng 3 tibok ng puso ay ilipat ito sa pagitan ng iyong 2 kilay.
- patayin ang apoy gamit ang candle snuffer at itabi ito.